#PNP (Pagkatao ni Pepe)


#PNP (Pagkatao ni Pepe)


Si Jose Protacio Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kaniyang mga magulang ay sina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Sina Francisco at Teodora ay biniyayaan ng labing-isang anak. Sila ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Gaya ng ibang normal na tao, si Rizal ay mayroon ding palayaw, at ito ay “Pepe.”


Naging unang guro ng batang Rizal ang kaniyang ina. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay na ipinagpatuloy sa Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.


Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Universidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya nang sabay ang medisina at pilosopiya noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika, kabilang na rito ang Latin at Greko. Tinapos naman ang kaniyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.


Ang kaniyang dalawang nobelang, “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.


Noong Hunyo 18, 1892, umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Itinatag niya ang samahang, “La Liga Filipina.” Layunin ng samahang ito na mapagkaisa ang mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura.


Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siyang namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya ng mga maysakit at hinikayat ang mamamayan na magbukas ng paaralan at ang pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.


Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik siya sa Pilipinas, at sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.


Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan dahil napagbintangang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.


Bago bawian ng buhay si Rizal, naisulat niya ang, “Mi Ultimo Adios” o Ang Huling Paalam habang nakapiit sa bilangguan. Ang kaniyang layunin sa pagsulat nito ay mamulat ang mga susunod pang henerasyon upang maging makabayan.


Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan na kilala na ngayon bilang Rizal Park.

#PNP (Pagkatao ni Pepe) #PNP (Pagkatao ni Pepe) Reviewed by JKL on 1:37 AM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.