Ngayon ay sisimulan na natin ang pagtuklas sa bagong aralin. Basahin nating mabuti ang teksto.
Nagulat ka ba?
Isinulat ni Nerissa T. Ilagan
Yeheey! malapit na ang kaarawan mo. Panigurado akong masaya ang araw na iyon. Tiyak na pupunta ang mga kaibigan mo at may dala-dalang regalo. Taon-taon laging ganoon ang nangyayari. Maghahanda na naman ang Mommy mo ng masasarap na putahe ng ulam, minatamis at kakanin, di mawawala ang cake at Spaghetti na talagang gustong gusto ko! Marami na namang palaro ang gagawin ng ate mo. Ang pinakahihintay ko ay yung panabit na hitik na hitik sa magagandang bagay. Wow! na naman ang kasuotan mo niyan. Natutuwa ako para sayo. Marami na naman ang babati sayo, Nang Maligayang kaarawan! Sabay awit ng “Happy Birthday”. Susundan ito ng pag-ihip mo ng kandila sabay “wish”. Masayang - masaya ang lahat. Alam kong nag-uumapaw ang kagalakan ng iyong magulang. Magsisimula nang magpalaro, na marami ang naghihintay. Gusto lahat ay manalo. Biglang may kakalembang ng malakas, hudyat na magkakainan na. Nagkakagulo ang bawat mesa. Makikita sa mukha ang ngiti sa mga labi ng mga panauhin. Ang katapusan ng iyong programa ay ang pagbubukas mo ng mga regalo na siyang pinakahihintay ko kahit hindi ako ang may kaarawan. Una mong binubuksan ang malaking kahon natatandaan ko pa halos kasinlaki mo yung box. Grabe! mountain Bike pala ang laman. Susundan ito ng pinakamaliit na regalo. Napaiyak ka pa nang makita mo ang laman. Isa palang cellphone at lahat ay napasigaw sa tuwa.
Bakit parang iba ang nararamdaman mo sa pagsapit ng iyong “birthday”? Ito ang pinakahihintay kong araw na dumating at masayang-masaya ako sa gagawing paghahanda. Kakaiba ito sa lahat ng aking pagdiriwang ng aking kaarawan. Walang handang masasarap na pagkain, palaro at pagbubukas ng regalo. Dahil ako ang magreregalo sa lahat ng mga taong nangangailangan ng tulong. Panahon ng Pandemya ngayon. Lahat ng gagastusin sa aking Birthday ay ibibili namin ng mga groceries na ipamimigay sa mga taong nawalan ng trabaho, mga matatanda at mga bata. Napakabusilak ng iyong puso. Naisip mo ang kapakanan ng iba kapalit ang kaligayahan mo. Mas maganda ang aking pakiramdam kung nakikita kong mas masaya ang aking kapwa at may tumugon sa kanilang pangangailangan kahit sa munting paraan lamang. Alam kong ito ang pinakamahalagang regalong matatanggap ko sa aking kaarawan. Nagulat ka ba? Sa kakaibang paraan ng aking pagdiriwang. Hinahangaan kita sa iyong gagawin.
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.