Ang mga Dalit kay Maria


Panuto: Basahin ang dalit o awit sa tulong ng magulang o nakatatanda sa iyo na nakaaalam ng tono upang higit mo itong maunawaan. Maaari ka ring magsaliksik nang sa gayon ay malaman mo ang tono nito.


Ang mga Dalit kay Maria

Mula sa unang himno:

Matamis na Virgeng pinaghahandugan,

cami nangangaco naman pong

mag-alay

ng isang guirnalda bawat isang araw

at ang magdudulot yaring murang camay.

Coro:

Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit

sa mahal mong noo'y aming icacapit,

lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig

na tatangapin mo handog na pag-ibig.

Mula sa ikalawang himno:

Halina at magsidulog

cay Mariang Ina ni Jesus

at ina ng tanang tinubos

nitong Poong Mananacop;

sintahin nati't igalang

yamang siya'y ating ina.

Coro:

Halina't tayo'y mag alay

Nang bulaclac cay Maria.

Mula sa "Dalit"

O Mariang sacdal ng dilag

dalagang lubhang mapalad,

tanging pinili sa lahat

nang Dios Haring mataas

Coro:

Itong bulaclac na alay

nang aming pagsintang tunay

palitan mo Virgeng mahal

nang toua sa calangitan.

Ang mga Dalit kay Maria Ang mga Dalit kay Maria Reviewed by JKL on 11:38 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.