Awit at Korido - Filipino

Awit Korido
Mga halimbawa at pagkakaiba ng awit sa korido. Ano nga ba ang kahulugan ng Korido at Awit?

Awit
May labing dalawa (12)na pantig sa bawat taludtod. Tualang pasalaysay na kung saan makatotohanan ang mga tauhan at maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante.

Korido
May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may kasamang kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaring magawa sa tunay na buhay.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito

Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
Awit at Korido - Filipino Awit at Korido - Filipino Reviewed by JKL on 11:11 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.