Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan


Naranasan mo na bang mawalan ng isang matalik na kaibigan? Gaano ito kasakit at kahirap para sa iyo?


Panuto: Basahin ang halimbawa ng elehiya at sagutin ang mga katanungang may kaugnayan dito sa hiwalay na papel.



Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan

Ni April Joyce A. Bagaybagayan


Napakabilis nang takbo ng oras

Para sa paglalakbay na ngayon ay lumipas

Para sa aking kaibigang tunay

na ngayon nga’y nasa hukay

Pamilya’t kaibigan mo’y labis ang lumbay


Ang naiwang alaala ng iyong matamis na ngiti

Na sa akin ngayon ay nagbibigay ng hikbi

Ang dating pagsasamang walang kasingsaya

at ang mga payo na magsisilbing paalala

Na mabuhay nang masaya sa gitna ng sakuna


Hanggang dito na nga lang ba?

Pagsasama nating dalawa

Minsan naitanong sa Diyos kung bakit ikaw pa?

Kung bakit sa libo-libong tao ay ikaw pa ang napili Niya

Wala mang makuhang kasagutan batid kong may

dahilan Siya


Tila ba gumuho ang sanlibutan

Nang ikaw ay inihatid na sa iyong hantungan

Huling pagkakataong ika’y masisilayan

Pangakong kailanma’y hindi malilimutan

Paalam sa’yo mahal kong kaibigan

Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan Elehiya para sa Mahal Kong Kaibigan Reviewed by JKL on 11:36 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.