Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

 

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa

Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian


“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” Isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.


Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglalaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik, at kaaya-ayang kinabukasan.


Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unti na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na karahasang pantahanan na pawing mga kababaihan ang magiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang”Panginoon.” Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro

ng pamilya.


Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na rin samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline, at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.



Halaw sa Sandigan I (Kalipunan ng mga Banghay-Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino) ni Lolita M. Andrada

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa  Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian Reviewed by JKL on 10:59 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.