Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ilang bahagi ng awit na “Dalagang Pilipina” na isinulat ni Jose Corazon De Jesus at sa musika ni Jose G. Santos.
Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag,
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakilang panghiyas,
Pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.
Dalagang Pilipina
Reviewed by JKL
on
10:53 PM
Rating:
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.