Buod at Paliwanag: Ang Magiting na si Gatsby | F. Scots Fitzgerald

Ang Nobela ay hindi magkakaroon ng liwanag kung walang tunggalian. Ito ay nakapaloob sa elemento ng banghay. Ang Tunggalian ay labanan sa pagitan ng magkakasalungat na panig.

Ang iyong nabasa sa kabilang pahina ay isang buod ng nobela na mula sa Estados Unidos na isinulat ni F. Scots Fitzgerald at isinalin sa Filipino nina Alicia N. Del Rosario at Bernardita S. Cruz na tumatalakay sa tunay na kaganapan sa buhay ng tao dulot ng ambisyon at pag-ibig. Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na binubuo ng mga kabanata o lupon ng mga maiikling kwento.

Maaaring ang mga pangyayari rito ay kathang-isip lamang ngunit ito ay may layuning gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa upang magbigay aral para sa kanilang kaunlaran. May katangian itong pumuna sa lahat ng aspekto sa buhay ng tao at ito ay pumupukaw sa kawilihan ng tao sa pagbabasa.

Pinagaganda ito ng mga elemento: tagpuan, tauhan, banghay, pananaw, tema, damdamin, istilo ng manunulat, pananalita, at simbolismo.

Ang Nobela ay hindi magkakaroon ng liwanag kung walang tunggalian. Ito ay nakapaloob sa elemento ng banghay. Ang Tunggalian ay labanan sa pagitan ng magkakasalungat na panig.

Ito ay naiiba sa isang maikling kwento, dahil ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan

1. Tao laban sa tao - Ito ang tunggaliang tumutukoy sa laban ng tao sa kanyang kapwa tao. Ang kanyang kasawian ay mula sa ibang tao na maaaring pamilya, kasintahan, kaibigan at iba pang tao.

2. Tao laban sa kanyang sarili - Ito ang tunggaliang tumutukoy sa laban ng tao sa kanyang sarili. Pinakikita ang dalawang bahagi ng pagkatao ng iisang tao. Maaring konsensya o sa pagdadalawang- isip.

3. Tao laban sa lipunan - Ito ang tunggaliang tumutukoy sa laban ng tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kanyang kasawian ay bunga ng lipunan, tulad ng diskriminasyon o hindi pantay na pagtingin sa lipunang inabibilangan.

4. Tao laban sa mga Natural na nagaganap sa Mundo/kalikasan - Ito ang tunggaliang tumutukoy sa laban ng tao sa mga natural na nagaganap sa mundo o sa puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring init, lamig, lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan, sakit, epidemnya, at iba pa.

Malimit mapansin na ang mga natural na bagay na nagaganap sa mundo o sa buhay ng tao at sa kalikasan/kapaligiran ay nagbibigay ng sarap sa pagpapaganda ng isang akda lalo sa paraang nakikipaglaban ang pangunahing tauhan sa hamon ng buhay ngunit ang mga natural na bagay o kalikasan ang siyang pangunahin nitong kalaban o balakid.

Tandaan sa paggamit ng ganitong tunggalian ay masasalamin ang hindi patas na lakas sa pagitan ng tao at ng natural na nagaganap sa mundo o ng kalikasan. Malaki ang porsyento na matalo ang pangunahing tauhan ngunit palaging tatandaan na sa paggamit nito sa pagsusulat ay mas napakikita ang kalakasan ng taong bumangon at ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng kanyang mga kasawian.

Samantala, higit na nagiging kapani-paniwala ang isang nobela sa paggamit ng mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon. Sa pagbibigay ng opinyon, gumagamit ng mga pahayag tulad ng sa tingin ko, akala ko, pinahahayag ko, sa palagay ko, sa opinyon ko, at marami pang iba upang ipabatid ang isang saloobin.

Halimbawa: Paano nila mauunawaan at susundin ang direktibang walang lalabas ng bahay sa panahon ng coronavirus? Sa palagay ko, mauunawaan at susundin ng mga Pilipino ang panukalang hindi paglabas sa kanilang tahanan sapagkat ang layunin nito ay para proteksyunan ang bawat pamilyang Pilipino. At sa tingin ko, ito ang pinakamabisang lunas sa pagpuksa pagtigil ng coronavirus kaya’t ipinahahayag ko ang aking pagsuporta sa ating gobyerno.

Ang pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pahiwatig sa loob ng isang akda ay nagbibigay ng malalim na pagkaunawa sa kwento. Ang pahiwatig ay naglalahad o nagsasabi ng mga natatagong kahulugan o ibig-sabihin ng isang salita o pangungusap at ang mga mambabasa ang siyang magbibigay ng sariling interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga pahiwatig sa loob ng kwento ukol sa kanyang pagkaunawa sa pagbasa.


Halimbawa

“Ang lahat pala ng mga taong pumupunta sa bahay ng binata tuwing nagdaraos siya ng kasiyahan ay pawang mga mapagkunwari lamang.”


Ang aking interpretasyon sa pahayag o pangungusap ay maraming tao ang matatawag na sinungaling o plastik. Hindi mapagkakatiwalaan. Nariyan lamang kapag may kailangan ngunit kapag ikaw na ang nangailangan ay kinalimutan ka na; mga taong plastik kung tawagin. Parating andyan kapag kailangan ngunit ang totoo manggagamit lamang.

Buod at Paliwanag: Ang Magiting na si Gatsby | F. Scots Fitzgerald Buod at Paliwanag: Ang Magiting na si Gatsby | F. Scots Fitzgerald Reviewed by JKL on 5:24 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.