Si Myrtle ay asawa ni George Wilson na nagmamay-ari ng gasolinahan sa isang magulong bayan ng Queens
Ang Magiting na si Gatsby
ni F. Scots Fitzgerald, isinalin sa Filipino nina: Alicia N. Del Rosario at Bernardita S. Cruz
Si Nick Carraway ay lumipat sa East Coast upang magtrabaho bilang bond trader sa Manhattan. Siya ay nangungupahan sa isang maliit na bahay sa West Egg. Sa lugar na ito ay muli niyang nakita ang kanyang pinsang si Daisy Buchanan at ang asawa nitong si Tom. Nakilala rin niya rito ang kaibigan ng mag-asawa na si Jordan Baker.
Isinama ni Tom si Nick upang ipakilala si Myrtle Wilson na kanyang kalaguyo. Si Myrtle ay asawa ni George Wilson na nagmamay-ari ng gasolinahan sa isang magulong bayan ng Queens. Sina Tom, Nick at Myrtle ay nagpunta sa Manhattan kung saan si Myrtle ang naging tagapagsalita sa nasabing pagtitipon.
Nakilala ni Nick si Jay Gatsby na isang mayamang lalaki na naninirahan sa isang napakalaking mansyon na palaging nagdaraos ng magarang pagtitipon tuwing Sabado at Linggo. At kung sino ang misteryosong tao na ito ay walang sino man ang nakakaalam.
Isinama ni Gatsby si Nick sa isang pananghalian at ipinakilala niya rito ang kanyang kasosyo sa negosyo na si Mayer Wolfshien na isang gangster. Hindi naglaon ay nagkaroon ng relasyon sina Nick at Jordan na naging daan upang malaman ni Nick na nagkaroon ng relasyon sina Daisy at Gatsby limang taon na ang nakalilipas at nais ni Gatsby na muling makita si Daisy. Dahil dito ay umiisip ng paraan si Nick upang muling pagtagpuin ang dalawa. Nagpunta sina Tom at Daisy sa isang kasiyahang idinaraos sa bahay ni Gatsby at dito nalaman ni Tom na ang yaman ni Gatsby ay mula sa iligal na gawain.
Nalaman nila na si Gatsby ay isinilang mula sa isang mahirap na pamilya bilang James Gatz. Bata pa lamang ay mataas na ang kanyang ambisyon na naging daan upang mabuo ang katauhang “Jay Gatsby” na isang matagumpay na lalaki. Sina Nick, Gatsby, Daisy, Tom at Jordan ay nagkaroon ng isang salo-salo sa bahay ni Tom. Dito naisip nina Daisy at Gatsby na sabihin kay Tom ang kanilang relasyon ngunit naisip ni Gatsby na hindi tamang gawin nila ito sa tahanan ni Tom kaya’t naisip ni Daisy na ipagtapat na lang ito sa Manhattan.
Nagtungo sila sa Manhattan at umukupa ng silid sa Plaza Hotel kung saan nabunyag ang maraming sikreto. Dito ipinagtapat ni Gatsby na si Daisy ay umiibig sa kanya. Bilang ganti ay ibinunyag naman ni Tom ang kinasasangkutang iligal na gawain ni Gatsby. Gusto ni Gatsby na sabihin ni Daisy na kailanman ay hindi niya minahal si Tom. Ngunit hindi kayang sabihin ito ni Daisy sapagkat hindi iyon totoo, na naging dahilan upang masaktan si Gatsby. Sa pangyayaring ito malinaw na tapos na ang relasyon nila ni Gatsby at pinili niya si Tom.
Noong gabing iyon, pauwi na sina Daisy at Gatsby, lulan sila ng sasakyan ng lalaki. Napadaan sila sa gasolinahang pag-aari ni Wilson. Biglang tumakbo si Myrtle papalapit sa sasakyan sa pag-aakalang si Tom ang sakay nito. Ngunit inagaw ni Daisy ang manibela upang banggain si Myrtle na ikinamatay naman nito.
Sinabi ni Tom kay George na ang sasakyang sumagasa kay Myrtle ay sasakyan ni Gatsby. Dahil dito, inisip ni George na si Myrtle at Gatsby ay mayroon ding relasyon. Nang gabi ring iyon ay napagdesisyonan ni Gatsby na akuin ang kasalanan ni Daisy sa pag-aakalang babalikan siya ni Daisy kung aakuin niya ang kasalanan. Ngunit nagkamali siya dahil nalaman niyang umalis na ito kasama si Tom at pumunta na sa ibang bayan. Nagkwento si Gatsby kay Nick tungkol sa naging relasyon nila ni
Daisy limang taon na ang nakaraan. Bilang opisyal ng isang army, nakilala niya at nahulog ang kalooban niya kay Daisy, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maging sila ng dalaga ay napilitan siyang umalis upang makipaglaban.
Matapos ang dalawang taon, pabalik na sana siya sa piling ng dalaga nang malaman niyang nagpakasal na ito sa isang binatang nagngangalang Tom. Sobrang nalungkot siya sa nangyari at wala siyang ibang inisip kundi ang makuha niyang muli si Daisy. Nang sumunod na araw ay binaril at pinatay ni George si Gatsby at isinunod niya ang kanyang sarili.
Naiwang bukas ang kaso sa pagpatay ni Daisy kay Myrtle.
Sinubukan ni Nick na humanap ng taong makikipagluksa sa burol ng binata, ngunit ni isa ay walang nais pumunta. Ang lahat pala ng mga taong pumupunta sa bahay ng binata tuwing nagdaraos siya ng kasiyahan ay pawang mga mapagkunwari lamang. Wala man lamang may nais pumunta sa burol niya. Maging si Wolfshiem na kasosyo niya sa negosyo ay di rin nagtungo sa burol. Ayon kay Wolfshiem matapos ang laban ni Gatsby bilang opisyal ay inalok niya si Gatsby ng trabahong iligal mula noon ay magkasosyo na sila sa maruming gawain. Ang ama ni Gatsby ay nagtungo sa burol ng anak at nagmula pa siya sa Minnesota. Ipinakita niya kay Nick ang mga plano ni Gatsby kung paano magiging matagumpay pagdating ng panahon bagama’t napakabata pa niya nang isinulat niya ito.
Dahil sa mga hindi magandang pangyayari kay Nick sa East Cost ay napagpasiyahan niyang bumalik na lamang sa kanyang tahanan sa Midwest. Naibigan mo ba ang iyong binasa? Ang iyong binasa ay buod lamang ng Nobela. Naniniwala ka ba na lahat ay kayang gawin ng pag-ibig maging tama man ito o mali? At bilang isang kabataan, may pagkakataon kang piliing maging isang mabuting tao sa kabila ng mga kasawian sa buhay. Gayunpaman palagi mong tatandaan na matutupad ang lahat ng iyong pangarap at ambisyon sa buhay nang masaya at hindi nag-iisa.
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.