Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ayon kay Edgar Allan Poe na kilala bilang “Ama ng Maikling Kuwento”- ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng mga guniguni at salagimsim ng salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap."
Si Deogracias A. Rosario naman na tinaguring “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog” ay naniniwalang kahit ano ay maaaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kuwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maaari rin na ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Elemento ng Maikling Kuwento
1. Simula – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinakikilala ang mga tauhan at tagpuang iikutan ng kuwento.
2. Tunggalian– Ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin.
3. Kasukdulan– Ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito unti-unting nabibigyan ng solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
4. Kakalasan– Ang aksyon sa bahaging ito ay bumababa upang mabigyang daan ang wakas.
5. Wakas– Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.