"Bayani Juan" ni Mary An L. Nepomuceno




"Bayani Juan"

ni Mary An L. Nepomuceno

Nagbuga ng galit ang kaitaasan

Dumagundong na rin pati ang kalupaan

Lumaganap na ang sakit sa mga kababayan

Marami nang buhay ang dito’y naparam.

Naramdaman ang pagluha ng kalikasan

Ang kaniyang pagdaing ngayo’y nararanasan.

Kabi-kabilang gulo ang bumabalot sa bayan

Kailan matatapos ang lagim ng kapalaran?

Ano nga ba ang mali?

Ano nga ba ang dahilan?

At binabayo ng pagsubok

Ang bayan ni Juan?

Ngunit hindi ang dagok ng kapalaran

Ni ang pag-aalburuto ng kalikasan

Maging ang hirap na nararanasan

Ang magpapayuko sa bayaning si Juan.

Pilit na babangon, pilit na lalaban

Hindi padadaig, hindi palalamang

Hindi susuko ano man ang laban

Iyan si Juan, basta’t para sa bayan.

"Bayani Juan" ni Mary An L. Nepomuceno "Bayani Juan" ni Mary An L. Nepomuceno Reviewed by JKL on 12:32 AM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.