Halimbawa ng Tanka




 Sanay na ako,

Na hindi nangangamba

Na hindi naghahanap

‘Di naghihintay

Dahil lumisan ka na.

Sa iyong piling

Ngiti’y walang kaparis.

Kung

nababatid mo lang

Sa likod nitong saya

Luha ang dala.

Tamis ng halik

Yakap na anong higpit

Dampi ng iyong palad

Sa’king pagmulat

Pilit kong hinahanap.

Lalim ng dagat

Tayog ng alapaap

‘Yan ang pagitan

‘Di ma’aring magtagpo

Ilap ng kapalaran.

Halimbawa ng Tanka Halimbawa ng Tanka Reviewed by JKL on 12:33 AM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.