Pang-ugnay, Pang-angkop at Pang-ukol

 

Ano ang Pang-ugnay? Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita gaya ng pangngalan.

Ito ay nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap. Ito ay tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit o bahagi sa isang pangungusap. Narito ang tatlong uri ng pang-ugnay:

1. Pangatnig

2. Pang-angkop

3. Pang-ukol

Pangatnig

Tumutukoy ito sa mga salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala o sugnay sa isang pangungusap. Halimbawa ay at, pati, habang, saka, ngunit, kung, kapag atbp. Galing siya sa isang mayamang pamilya ngunit walang mababakas na kasiyahan sa kanyang labi at mga mata.

Kapansin-pansin sa pangungusap na ito na sinasalungat ng unang ideya (galing sa isang mayamang pamilya) ang ikalawang ideya (walang mababakas na kasiyahan sa kanyang labi at mga mata) mas naging litaw ito sa paggamit ng pang-ugnay na ngunit.

Pang-ukol

Nag-uugnay sa isang pangangalan at sa iba pang salita sa pangungusap. Halimbawa nito ay ni/nina, para sa/kay, hinggil sa/kay, ayon sa/kay, ayon sa/kay atbp. Mahirap man ay hindi sumuko ang guro para kay

Mark.

Mapapansin sa pangungusap na naiugnay ng pang-ukol na para kay ang pangalan na Mark sa iba pang salita sa pangungusap.

Pang-ugnay, Pang-angkop at Pang-ukol Pang-ugnay, Pang-angkop at Pang-ukol Reviewed by JKL on 11:02 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.