Pilipinas, Aking Pintakasi - Tula

Aking Pintakasi
Pilipinas, Aking Pintakasi. The Tagalog word pintakasi used to refer to someone who mediates. The definition has now evolved and taken on new meanings in contemporary usage.

Aking Pintakasi

Pintakasi, aking bayang hinirang
Lundayan ng dunong, pugad ng tapang
Pag-alabin ang puso’t lahing pagal
Dinggin ang pagsamo’t apoy, tumagal

Hirang, iwaksi mo ang kasaysayan
Alisin ang piring sa aba mong bayan
Tupdin naming lubos ang ‘yong adhika
Magnasang sa mundo’y madarakila

O ‘Pinas, ganda mo’y ‘di magmamaliw
Sa yumi mong taglay, banyaga’y baliw
Ano’mg sikreto mo’t di ka maiwan?
Sa piling kaya’y kaya pang manahan?

Walang pagsidlan, tuwang nadarama
Paglingkuran ka’y tunay na ligaya
Ikaw ang kariktan ng aking puso

Makasama ka, sa’ki’y bumubuo
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Para sa akin, therapeutic ang pagsulat ng tula. May kaginhawaan talaga akong nadarama kapagg nakalilikha ako ng ganitong obra. Pakiramdam na nakakapagpalaya at nakapaghahatid ng kapayapaan sa aking kaluluwa."

-Ipinaskil ni Ryan Pecson
Pilipinas, Aking Pintakasi - Tula Pilipinas, Aking Pintakasi - Tula Reviewed by JKL on 6:28 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.