Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon

 


Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon

Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina


Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehaong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakukuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.


Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o house keeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing –bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.


Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging kumplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.


Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng kanilang pagtaas ng sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handing kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masusuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaeng namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.


At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang network hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.


Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan nang pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap nang pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan Mayroon pa ring mga kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabibigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat na magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon Reviewed by JKL on 10:49 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.