ni Jemima D. Atayde
Tagapagsalita: Lahat ay tumayo. Narito tayo ngayon sa kagalang-galang na korte kasama ang ating punong hukom na si G. Honrado Gomez, ang nagsampa ng reklamo na si Peter Santos, at ang nasasakdal na Julio Cuangco. Narito rin ang abogado ng dalawang panig na sina Atty. Poulito Garcia, abogado ni Peter Santos at Atty. Grego Poulino, para kay Julio Cuangco. Maaaring maupo ang lahat maliban kay Julio Cuangco para sa panunumpa. Itaas ang kanang kamay at sabayan ako. Ako si (sabihin ang iyong pangalan) na nangangakong tanging katotohanan lamang ang aking sasabihin at ilalahad ang aking nalalaman sa abot ng aking makakaya.
Hukom: Ngayong araw, ating lilitisin kung ang hinahabla ay may kasalanan o wala batay sa mga ebidensya, testigo at pagsagot na ilalahad sa korteng ito. Ang abogado ng bawat panig ang siyang magbibigay-patunay sa kung ano ang katotohanan sa kasong inihain sa korte. Patutunayan ng bawat panig kung sino ang nagsasabi ng totoo na nakabatay sa mga ebidensya, testigo at paglalahad sa pangyayari ng bawat panig.
Tagapagsalita: Your honor, ang kaso ngayon ay ang pagpatay sa batang si Julia Santos laban kay Julio Cuangco na sinasabing pumatay sa bata.
Hukom: Handa na ba ang lahat sa paglilitis? Kung handa na, simulan na ang paglilitis.
Tagapagsalita: Tayo’y magsisimula na.
Abogado ng Naghahabla: Nasaan ka nang mga panahong itinapon ang katawan ng anak ni Peter Santos na si Julia Santos sa ilog?
Akusado: Nandoon lamang ako sa aking bahay.
Abogado ng Naghahabla: Anong oras ka naroroon sa iyong bahay?
Akusado: Alas-dos ng hapon.
Naghahabla: Sinungaling ka!
Abogado ng Naghahabla: Totoo bang nagbayad ka para lang itapon ang katawan ng bata sa ilog?
Abogado ng Akusado: Objection your honor!
Hukom: Order in the court!
Abogado ng Naghahabla: Ngayon, sagutin mo ang aking katanungan!
Akusado: Hindi ko magagawa ‘yan!
Hukom: May katanungan ka pa ba, Atty. Garcia?
Abogado ng Naghahabla: Wala na po.
Hukom: Order!
Tagapagsalita: Tumayo ang naghahabla. Itaas ang kanang kamay at sabayan ako. Ako si (sabihin ang iyong pangalan) na nangangakong, tanging katotohanan lamang ang aking sasabihin at ilalahad ang aking nalalaman sa abot ng aking makakaya.
Abogado ng Akusado: Nasaan ka nang mga panahon na ibinibintang ang krimen kay Julio Cuangco?
Naghahabla: Nasa trabaho ako nang mga panahong iyon!
Abogado ng Inihahabla: Paano mong nasabi na si Julio Cuangco ang pumatay sa iyong anak?
Naghahabla: Dahil siya ang kasama ng anak ko nang mga panahong iyon! At ... (napatigil sa pagsasalita)
Abogado ng Akusado: Hindi mo ba naisip na mahirap paniwalaan ang iyong sinasabi gayong wala ka sa tabi ng anak mo nang oras na iyon, dahil nagtatrabaho ka at gabi na kung umuwi!
Abogado ng Naghahabla: Objection your honor!
Hukom: Atty. Poulino, huwag mong puputulin ang sinasabi ni Peter Santos!
Abogado ng Akusado: Mayroon pa po akong katanungan, your honor.
Hukom: Ipagpapatuloy natin ito makalipas ang limang minutong pagpapahinga.
Tagapagsalita: Pagkatapos ng limang minuto, muling ipinagpatuloy ang paglilitis.
Abogado ng Akusado: Nais ko pong tawagin ang testigo ni Julio Cuangco.
Hukom: Sige, papasukin ang testigo.
Abogado ng Akusado: Nasaan ka noong mga panahong inaakusahan si Julio Cuangco sa pagpatay sa bata?
Testigo ng Akusado: Andoon lamang ako sa loob ng bahay namin at nanonood ng telebisyon.
Abogado ng Akusado: Umalis ba siya ng bahay?
Testigo ng Akusado: Hindi po.
Abogado ng Akusado: Samakatuwid, sinasabi mong hindi magagawa ni Julio Cuangco ang krimeng inaakusa sa kaniya.
Testigo ng Akusado: Hindi po! Hindi po magagawa ng aking ama ang ibinibintang sa kaniya.
Abogado ng Akusado: Wala na po akong katanungan.
Hukom: Atty. Garcia.
Abogado ng Naghahabla: Nais ko pong tawagin ang testigo ni Peter Santos.
Hukom: Sige, papasukin mo na.
Abogado ng Naghahabla: Nasaan ka nang itinapon ang katawan ng bata?
Testigo ng Naghahabla: Nasa ilog po ako.
Abogado ng Naghahabla: Anong ginagawa mo doon?
Testigo ng Naghahabla: Ako po ang nagtapon ng bangkay ng bata.
Abogado ng Naghahabla: Bakit ginawa mo iyon?
Testigo ng Naghahabla: Dahil binigyan ako ng malaking halaga ni Julio Cuangco.
Akusado: Hindi ‘yan totoo!
Abogado ng Naghahabla: Maaari mo bang ituro sa hukumang ito ang taong nagbayad sa iyo ng malaking halaga para itapon sa ilog ang bangkay ng bata?
Testigo ng Naghahabla: Siya po!
Abogado ng Akusado: Objection your honor!
Hukom: Atty. Poulino! Kanina ka pa… Huwag mong puputulin ang sinasabi ng testigo.
Akusado: Hindi totoo ang sinasabi mo! Wala akong ibinibigay na kahit ano sa iyo! Ginawa mo iyon nang kusang loob!
Abogado ng Naghahabla: Your honor, malinaw na malinaw na lumabas sa kaniyang bibig ang krimen na kaniyang ginawa.
Tagapagsalita: Paalala sa sandaling oras na ito, pag-uusapan ng mga kinauukulan ang mga pahayag at ebidensyang narinig at ibinigay sa paglilitis. Upang makapagbigay ng hatol sa inihaing kaso, muli ito’y ibabatay sa tapat at malinaw na pamantayan upang makapagbigay ng matibay na hatol sa kaso.
Makalipas ang pag-aanalisa sa kaso
Hukom: Dahil sa lahat ng ating narinig at matibay na ebidensyang inilahad sa korteng ito, napatunayang si Julio Cuangco, na inihahabla, ay nagkasala sa pagpatay sa batang si Julia Santos at hinahatulan ng panghabang buhay na pagkakakulong. Tapos na ang paglilitis na ito!
Mga Aral:
- Sa huli, ang katotohanan ay lalabas at mananaig ang katarungan.
- Mahalaga ang tapat na pagpapahayag at matibay na ebidensya sa paghahanap ng hustisya.
- Ang bawat krimen ay may kaukulang parusa; walang sinumang makatatakas sa pananagutan.
Reviewed by JKL
on
5:30 PM
Rating:

No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.