Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hÃrap habang sinusulat ito at tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ding iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
May-akda Jose Rizal
Bansa Pilipinas
Wika Kastila (orihinal)
(Mga) Uri Nobela
Naglimbag F. Meyer van Loo Press ni Ghent
Petsa ng paglimbag 1891
El Filibusterismo: Mga Tauhan
• Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
• Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
• Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
• Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
• Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
• Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
• Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
• Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
• Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
• Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
• Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
• Padre Florentino - ang amain ni Isagani
• Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
• Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
• Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila
• Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
• Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
• Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
• Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
• Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
• Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
• Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
• Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
• Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
• Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
• Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibÃgan daw ni Don Custodio.
• Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
• Tiyo Kiko - matalik na kaibÃgan ni Camaroncocido.
• Gertrude - mang-aawit sa palabas.
• Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
• Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso. Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin. At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Mga Kababaihan ni Jose Rizal
JULIA
Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.
SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.
VICENTA YBARDALOZA
Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.
LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan.
LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa
kalungkutan.
CONSUELO ORTEGA y REY
Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
May kasunduan na sila ni Leonor.
Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.
SEIKO USUI
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.
GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.
SUSANNE JACOBE
Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe.
NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal: Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal. Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie
JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
No comments:
Note: Only a member of this blog may post a comment.