AlDub - Tula ni E.M. Marasigan


Aldub
Sinulat ni E.M Marasigan

May bagong sumisikat
Sa programang EAT BULAGA
Kalye Serye ang tawag
Alden, Yaya Dub ang bida

Pilipinong Sambayanan
Telebisyo’y tinututukan
Palabas inaabangan
Taguring AlDub ng bayan

Kapag sila’y nasilayan
Sigawan di magkamayaw
May pabebe at sulatan
Eksenang kilig pa more

Lola Nidora’y kakaiba
Hinahadlangan nang sobra
Pagkikita na dalawa
Mailayo lamang si Yaya

Subalit hindi sumuko
Itong si Alden na guwapo
Sinuong anomang pagsubok
Patunay ng wagas na pag – ibig

Kaya nga ang kuwento
Punong – puno ng puyo
Gabay ng kabataan
Pagdating ng panahon
AlDub - Tula ni E.M. Marasigan AlDub - Tula ni E.M. Marasigan Reviewed by JKL on 10:55 PM Rating: 5

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.